Thursday, November 25, 2010

Chap. 3


CHAPTER 3

            Kanina pa hindi mapakali si Devin, Habnag abala sa pagtulong sa kanyang Tiya sa paghahanda ng tanghalian. Panaka-nakang sinusulyapan niya ang cellphone na nakalagay sa lamesa.

            “ Bakit ba parang butete ka diyan na hindi mapakali, Devin?” nakakunot-noong puna ng kanyang Tiyahin.

            “ Hindi naman po Tiya. May hinihintay lang ho akong tawag.” Sagot niya.

            “ Sino naman? ‘Yong diyaskeng Samuel na naman ba? Ikaw nga, Devin eh, magtapat. Nobyo mo naba ang lalaking iyon?” pagkuwan ng kanyang Tiya sabay ng pandidilat ng mga mata nito sa kanya.

            “ Si Tiya naman. Paano ko naman ho magiging nobyo iyon,eh, may girlfriend na ho yung tao.” Nakasimangot na sagot niya. Ibinuhos niya ang inis sa hinihiwang gulay.

            Mula first year college ay crush na niya ang captain ball ng basketball team ng Management department na si Samuel Concepion. Bukod sa husay sa paglalaro, dean’s lister din ito. Ka-batch at kapareho nito ng kurso so gab pero hanggang doon lang ang pagkakapareho ng dalawa. Kung si Gab ay nuknukan ng pilyo palikero at laro ang tingin sa mga grades nitong hinahayaan munang sumadsad bago bawiin at pataasin upang pumaskabaligtaran nito lahat si Sam.

            Seryoso, mabait, responsable, masipag,matalino at tapat si Sam. Ito ang mga katangiang hinahanap ng isang babae sa isang lalaki. Malas lang niya ay mas pinansin nito ang malditang si Yennie kaysa sa kanya gayong unang silay pa lang niya rito ay alam na niyang ito ang matagal na niyang hinihintay na unang pag-ibig.


            Pinsan si Sam ng matalik niyang kaibigan na si Colleen. Noong isang taon lang pumisan ito sa pamilya nina Colleen, matapos maulila sa mga magulang. At dahil ayaw nitong iasa lahat ng pangangailangan  sa kamag-anak nito, kumuha ito ng part-time job sa talyer ng ninong niya.

            Doon sila unang nagkita at nagkakilala. Abala ito sa binubutingting na sasakyan nang mapagtanungan niya ito kung nasaan ang ninong niya. Nang sumunod na magkita sila ay sa bahay na nila Colleen. Noon niya nalaman na ito pala ang tinutukoy ng kaibigan niya na bagong datng na pinsan nito. Iyon na ang nagging simula ng pagkakaibigan nila ni Sam.

            “ At kung sakaling wala palang nobya iyon at niligawan ka’y sasagutin mo? Kalian pa kita pinayagang mag nobyo, ha, Devinne? Ako nga eh tigil-tigilan mo kung ayaw mong ibitin kita ng patiwarik!” wika ni Tiya Amanda.

            “ Sige, Tiya, Ibitin na ‘yan! Kukuha na ako ng Alambre. Saan ba isasabit?” sabad ni Nath sa usapan. Kapapasok lang nito sa kusina.

            “ Sabitan na rin natin ng Christmas lights at parol para maganda tingnan!” pangagatong ni Gab na kasunod ni Nath.

            Parehong pawisan ang mga ito at mukhang pagod na pagod. Dibdiban na kasi ang pagre-rehearse ng mga ito sa silong ng bahay nila na ginawa na ni Nath na opisyal na tambayan at studio ng The hitzmaker.

            “ Mangugulo na naman kayo dito! Bumalik na nga kayo sa baba,” asik niya sa mga ito.

            “ Kami pa ang magulo, eh, ikaw nga itong ibibitin ng patiwarik ni Tiya,” ani Nath bago inisang lagok ang laman ng hawak na baso.

            “ Ano na naming kalapastangan ang ginawa ng Indio na ito, Tiya?” usisa ni Gab gamit ang ngalang pang-asar nito sa kanya mula pa noong mga bata sila.

            Madalas, kapag tinutukso siya ni Nath ay gumagaya pa ito sa kaibigan. Pero kapag nakita na ni Gab na umiiyak siya ay agad itong titigil at pagsasabihan siya. Sa halip na magngangangawa siya sa kaiiyak ay umisip siya ng ipanggaganti sa pang-aasar ng mga ito.

            Salamat na rin sa pagtuturo nito sa kanya na maging manhid sa panlalait nito at ng iba tungkol sa kulay ng balat niya kaya wala nang epekto sa kanya ang pang-aasar nito. Matagal na niyang naiwaksi ang insecurity niya dahil sa kulay niya. Katulad ng turo ni Gab, hindi porke sinabi ng ibang tao, nangangahulugan nang totoo. Kaya naman bagaman marami pa rin siyang nakakasalamuhang tao na minamaliit siya dahil sa kulay niya, wala na siyang pakialam.

Friday, November 12, 2010

Chap. 2

"Masyado kang defensive, Devin" Ani Nath na inarkuhan pa siya ng kilay. " Hay, makatulog na nga at baka may makasalubong pa akong Black este White lady." Ngingisi-ngising dag-dag pa nito.

" Ang sabihin mo baka makasalubong mo yung kapwa mo bangkay! walang dugo!" at sabay bato dito ng throw pillow.

" Mestizo po ako, no. Hindi katulad mo, taong tsokolate!" at ibinato pabalik sa kanya ang throw pillow.

"Bangkay! Multong Bakla!"

"Anak ni Michael Jackson!"

" Maputi na siya no!" Irap niya rito.

Nang marinig nila ang pagbukas ng pinto sa silid ng tiyahin nila ay kapwa sila natahimik.

Nagkakandangiwi sila sa paghihintay sa sermon mula sa kanilang tiya na kapatid ng yumao nilang Ama. Si Tiya Amanda ang kumalinga sa kanila mula ng sabay na mamatay sa aksidente ang kanilang magulang. Sampung taon palang siya noon at kinse naman si Nathaniel. Kaya naman malaki ang pasasakamat nila rito dahil sa pagkupkop sa kanila ng panahong iyon.

"Devinne, Nathaniel! Alam ba ninyo kung anong oras na?" Malakas na sita ni Tiya Amanda.

Nagkukumahog na umakyat si Nath upang pahupain ang kanilang tiya bago pa nito maisipan na huwag silang patulugin buong magdamag sa pakikinig sa walang sawang panenermon nito. Dali-dali naman niyang pinatay ang T.V.

" Baby, baby, baby ohh
Like baby, baby, baby noo
Like baby, baby, baby ohh..." Damang-dama ni Devin ang pagsabay sa kantang pinatutugtog sa radyo habang abala sa paghihiwalay ng mga de-kolor.

Sabado noon kaya buong araw sa simbahan ang tiyahin nila dahil narin sa panata nitong ilaan ang sabado at linggo sa simbahan. Off din ng katulong nila. Kaya naman siya ang naglaba, naglinis ng bahay at magpaplantsa mamaya.

Habang nag papakapagod siya sa gawaing bahay, ang magaling niyang kapatid ay tinakasan siya. malamang nasa basketball court ito hindi para maglaro kundi para mamingwit ng bagong popormahan. Para lamang itong nagpapalit ng damit kung makipag-relasyon.

"Devin! Devin! Mga kapitbahay, tumawag kayo ng pulis!" Prantikong hiyaw ni Gab na humahangos na pumasok sa labahan. May hawak itong walis-tambo. Palinga-linga ito, tila may hinahanap.

Nagtatakang luminga-linga din siya. Wala namang kakaiba sa bahay nila na puwedeng maging sanhi ng inaakto nito.

" Ooops! kumakanta ka lang pala. Akala ko kinakatay ka na rito eh, " Kapag kuwan ay sabi nito. Nakakalokong ngumisi ito . Mabilis na iniwasan nito ang mga labadang ibinato niya rito, " Next time kasi, kung feel mo mag concert, magpasabi ka muna at nang hindi namin isiping may sumasakal sayo."

" Kung ikaw kaya ang sakalin ko riyan?"

" Hindi pwede, mag we-welga ang kababaihan!" sabay ngisi sa kanya.

pinaikto niya ang mga mata. Grabe talaga ang hangin sa katawan nito.

" Pano ka nakapasok dito? Ini-lock ko ang pinto ah?" Nakakunot-noong pinameywangan niya ito.

" Ako pa?" nag mamalaking itinuro pa nito ang sarili." Magaling ata to!"

"Oo nga naman, Ubod ng galing mang buwisit ng tao.  Dinekwat mo na naman ang spare key namin." Nanlalaki ang mga matang saad niya.

" Akina, ibalik mo. Pakiramdam mo, bahay mo na rin ang bahay namin kung maglabas-masok ka!" Nanggigigil na saad pa niya.

" Nasaan?" Patay malisyang saad nito.

" Nasaan ka diyan, Siyempre nasa iyo!"

" Hindi, 'Yong taong binubuwisit ko kamo."

"buwisit ka talaga Gab! Ba't ka ba nandito? nasa basketball court 'yong kalahi mo."

" Alam ko. Galing nga ako roon, Ang kaso naisip ko na mag-isa ka lang dito. Baka pasukin ka ng mga masasamang loob." Saad nito. At isa-isang pinulot ang mga damit na ibinato niya rito at ibinalik sa ibabaw ng mga labada sa tabi niya. " Eh, naawa naman ako sa knila kaya tumakbo agad ako dito."

"Maglalaba pa ako kaya puwede ba, sabihin mo na ang kailangan mo't ng makalayas ka na." Pinandilatan niya ito. Kahit siguro santo ay mapupugutan ng ugat sa leeg sa pagpipigil ng inis dito.

Nakasimangot na tiningnan siya nito." Alam mo, ang sakit mong magsalita. Ngayon na nga lang uli tayo nagkita, pinapalayas mo na agad ako. Hindi mo manlang ba itatanong kung saang lupalop ako nagpunta at isang buwan akong hindi nadayo dito?" Nakangiwing sinapo nito ang kaliwnag dibdib na para bang nasaktan nga ito.

Alam niya na dina-drama-han lang siya nito lalo pa't nagsasayaw ang kaaliwan sa kulay abo nitong mga mata. Kapag tumatawa ito ay naniningkit ang mga mata nito, bagay na nakapang hihinayang dahil natatakpan ang mga mata nito.

Sampung taong gulang siya at trese anyos naman ito nng unang magkita sila, ilang buwan pa lamang iyon mula ng maulila sila ni Nath sa pagkamatay ng kanilang magulang. Kapipisan pa lamang nila sa poder ng tiyahin nila.

"Match made in Heaven" ang first meeting niya kay Gab. Nilait at pinagtawanan nito ang suot niya na polka dots na bestida. Sinipa naman niya ito sa paa saka binelatan. Ngunit si Nath ay madaling nakasundo nito. Pinahiram pa nga nito ng Game Boy ang kuya niya.

Mula noon para na silang Aso't-pusa sa tuwing nagtatagpo ang mga landas nila. Hanggang sa magdalaga at magbinata na sila ay dala na nila ito. Wala siyang makitang kaakit-akit sa karakter nito kaya nagtataka siya sa mga babaeng humihiling na kahit isang araw lang ay maging girlfriend ng pamosong palikerong ito. Ang hula nga niya kaya nagkakandarapa ang mga babae dito ay dahil sa antas ng pamilya nito sa lipunan. Bukod sa kabilang sa mayayamang angkan si Gab, Unico hijo rin ito ng kasalukuyang mayor sa kanilang lugar.

" Utang-na-loob, Devin,  tama na. Napapahiya na ako sa makahulog-briefs mong titig."pangising sabi nito. " Baka matunaw na ang kaguwapuhan ko niyan sa init ng titig mo."

" Whhaaat?? duh? kaguwapuhan... Baka naman kamo mukhang mongoloid!" Namula siya hindi dahil sa pagkapahiya kundi sa inis.

" May mongoloid bang ganito kaguwapo?"

" In your dreams. Tutal, ayaw mong magsabi kung bakit  namemeste ka na naman, labhan mo na lang ang mga damit na ito para magkasilbi ka naman sa mundo." Walang babalang inilagay nya sa mga braso nito ang sabon at mga maruruming damit. Paminsan-minsan ay nauuto niya itong utusan pero katakot'takot na angal muna ang maririnig mula rito bago nito gawin ang inuuutos niya.

" Sorry, sweetheart, pero pag papaligaya lamang sa mga kalahi mo ang silbi ko sa mundo." Nakaarko ang mga kilay na sabi nito.

"Ganon ba? kung hindi kaya kita tulungang magpaliwanag kay Miss Abellardo?" Ang terror na teacher nito sa History ang tinutukoy niya. Isa si Miss Abellardo sa mga mabibilang na taong hindi intimidated sa apelyidong Saavedra at Immuned sa karisma ni gab.

" Puwede ba naman kitang tanggihan? Alam mo namang kasiyahan ko ang pagsilbihan ka. Alin,ito lang ba? Dagdagan mo pa't sinisipag ako ngayon."

"Good, sige pagkatapos mo jan ayusin mo narin yung bara sa lababo namin, Paki linis na rin yung salas maalikabok na eh. At saka nga pala paki walisan na rin yung likod ha.." Dapat ay kay Nath niya iuutos yun, pero dahil nandoon na si Gab, dito nalang niya ipapagawa.

" Baka may nakalimutan ka pa. Huwag kang mahiya, 'Yong kuko mo sa paa, hindi mo ba ipapalinis?" Puno ng sarkasmong sabi nito. Sinimangutan pa siya nito.

" Aba! kung ayaw mo, huwag!"

" Hindi, hindi na po. okay na okay lang sakin. Heto na nga, nilalagyan ko na ng tubig ang washing machine."

" Ay! sira yan, ayaw umiikot. Nakalimutan ko sabihin sayo."

" Ano? Mano-mano kong lalabhan ang mga ito?" Nanlalaki ang mga matang bulalas nito sa kanya. Hindi makapaniwalang tinignan nito ang mga labahin. Bakit nga ba hindi? Señorito ito sa bahay nito. ito ang nag-uutos at hindi ang inuutusan. Sa kanila lang ito natutong kumilos. Pero ngayon lang din niya ito nautusang maglaba nang de-kusot. Sa sobrang dami kasi ng kelangan niyang gawin kelangan niya ng makakatulong.

" Siyempre, Alangan namang paahin mo . Madali lang iyan. kukusutin mo lang ng ganito." kinuha niya ang isang damit at ipinakita rito kung paano. " Maselan sa puti si Tiya kaya kusutin mo ng maayos, ha?" Bilin niya.

Tila nanggaling sa malalim na balon ang buntong-hiningang pinakawalan nito sabay ng pag-iling." Hay, Devin, Kung hindi lang kita talaga....." Napapalatak na saad nito.

Thursday, November 11, 2010

Chap. 1

Tutok na tutok si Devin sa pinanunuod na horror film. Halos hatingggabi na ng mga oras na iyon. Kaya naman Halos mapalundag  sya sa pag kagulat ng bigla nalang mag ring ang telepono na ilang dipa lamang ang layo sa kanya.

Sinong matinong tao ang tatawag ng ganitong oras?maliban nalang kung emergency ang pakay ng caller. Pero malabong mangyari iyon dahil kanina pa naghihihilik ang mga kasama niya sa bahay. Nagtataka at kinakabahan man ay dahan-dahan niyang iniangat ang awditibo.

"T-tulungan mo ako," anang kahindik-hindik na tinig ng isang babae sa kabilang linya. Kasabay niyon ay may narinig siyang nakakakilabot na alulong ng aso.
Sindak na nabitawan nya ang awditibo. Magtititili na sana siya sa takot ng maulinigan niya mula sa bumagsak na receiver ang pamilyar na halakhak ng isang lalaki.

Gigil na gigil na kinuha niya muli ang awditibo.
" Hoy, Gabriel Saavedra kung wala kang magawang matino sa buhay mo mag patiwakal ka nalang." Singhal na sabi niya bago ibinagsak ang awditibo. One hundred and one percent siyang sigurado na ang lalaki ang nasa kabilang linya. Ito lamang maliban sa nakatatanda niyang kapatid ang may misyon sa buhay na asarin at buwisitin siya.

Bukod sa pagiging kaibigan ng kuya niya ay ka banda rin ito ni Nathan sa "Hitzmaker" ang bandang binuo ng mga ito tatlong taon na ang nakakaraan. They formed the band along with 3 more friends who share the same passion for rock and alternative music.

Inis man na naisahan na naman siya ni Gab nag papasalamat siya na ito ang nasa kabilang linya at hindi isa sa mga tauhan sa Horror film na pinanunuod niya.
"Ba't ganyan na naman ang hilatsa ng mukha mo?" puna ni Nathan ang kanyang nakakatandang kapatid.Hindi niya na malayan na bumaba ito. "Sino na naman ba ang kaaway mo?"

" Hoy, Nathaniel, Huwag kang mag-maang maangan diyan dahil alam kong kasabwat ka ng mongoloid na iyon!" sikmat niya rito.

"Ako?" nanlalaki ang mga matang itinuro nito ang sarili. " Bumangon lang ako para uminom, kung anu-ano na ang ibinibintang mo riyan."

Kung hindi niya lang ito kapatid ay maniniwala siya sa pam best actor na arte nito. Pero dahil kabisado na niya ang ugali nito kapag nabubuking ito sa ginawang kapilyuhan ay madali na para sa kanya na makilala ang kislap ng kalokohan na naglalaro sa mga mata nito.

"Puro na-- " Pinutol ng muling pag tunog ng telepono ang sasabihin niya. Halos natitiyak na niya na ang mongoloid na naman nitong kaibigan ang tumatawag. Magkasalubong ang kilay na iniangat niya ang awditibo at handa na sana itong talakan pero naunahan siyang magsalita nito.

"Hello? pwede bang makipag-phone sex, este phone pal? pinagbagsakan kasi ako ng telepono ng crush ko.Nalulungkot tuloy ako." wika nito sa malungkot na tinig.

"Hoy, lalaking walang magawa sa buhay! hintayin mo lang na magkita tayo at titiyakin kong hindi ka lang manghihiram ng mukha sa Aso. Ipapatira pa kita sa Hitmanat ipapabaon sa lupa.Doon ka dumaing!"

"Ang morbid mo naman ,Devin!" sabat nito sa pag tatalak niya."Padaingin mo nalang ako sa sarap, mas okay pa," dagdag pang-iinis nito. Hindi nito alintana ang pag kapikon niya.

Sa sobrang inis ay pinagbagsakan niya uli ito ng telepono.

"Si Gab ba'yon?"tanong ni Nath. Hindi niya ito pinansin." Tsk tsk tsk, Anu ba iyan gabing-gabi na nag e-LQ pa kayo?" Anito sabay umiling-iling na tila nababaghan sa kanya.

Sa kung anong dahilan ay ito lamang ang nakakaintindi, ay madalas sila nitong tuksuhin ni Gab, gayong alam nito na madalang pa sa patak ng ulan kapag El Niño ang mga sandaling hindi sila nag babangayan ng kababata.

Nang muling tumunog ang telepono ay pinukol niya lang iyon ng masamang tingin kaya ito na ang nag-angat ng awditibo at sumagot sa tawag.

"Man, Ipinapatanong ni Devin kung ano raw ba ang gusto mong regalo sa twelft year anniversary n'yo." wika nito sabay lingon sa kanya. " Ayos na daw sa kanya kahit kiss sabay hug, Devin."

Sa halip na patulan ay pinag-taasan niya lang ito ng kilay. Mas mabilis matatapos ang pakikipag-usap sa kapwa mongoloid nitong kaibigan kung hindi nalang niya papansinin ang pang-aasar ng mga ito. Base sa naririnig niya, tungkol sa pagtugtog sa JS prom ng High School department sa school nila ang pinag-uusapan ng mga ito. Kilala sa kanilang eskwelahan ang bandang binuo ng mga ito.

Si Ivan ang half- Filipino half- American na kaibigan ng mga ito ang keyboardist. Si Ryan na purong Koreano naman na medyo barok pa ang pananagalog ang drummer. Habang si bret na kaklase nila mula High School ang bass guitarist. Personally, sa tingin niya ay masyadong maingay ang klase ng pagtugtog ng mga ito. Pero sa dami ng fans ng mga ito, na karamihan ang babae mukhang siya lamang ang may ganoong opinyon.

"Sige madali lang iyon, Yung sweetheart mo? Teka......" Nilingon uli siya ni Nath at iniabot ang telepono. " Kausapin ka daw."

Sa halip na kunin ay pinag taasan lang uli niya ng kilay ito.

" Saka na raw kayo mag-usap. Lalo ka lang daw niya mami-miss kapag narinig niya daw uli ang boses mo." wika nito.Ang buong akala niya ay ibababa na nito iyon pero tila na nanadyang lalo pang humaba ang pag-uusap ng mga ito. At base sa ngisi at sulyap nito sa kanya, may kutob siyang siya ang paksa ng usapan ng mga ito.

" Hoy, Nathaniel, kung balak mong makipag tsismisan diyan hanggang umaga hinaan mo ang boses mo at nakakaistorbo ka na!" Nanggigigil na wika niya ng sadyang nilakasan pa nito ang pagtawa.

" Sige na man,. Bumubuga na ng Apoy itong katabi ko. Baka matutong na ako rito." Anitong sadyang diniinan ang pagbigkas ng salitang "matutong". Ibinaba na nito ang awditibo. " Hayan po, masaya na ho ba kayo kamahalan?"

" Excuse me, Hindi ako negra no!" Asik niya rito.

Alam nitong sensitibo sya sa mga pahaging tungkol sa kulay ng balat niya. Kung ito kasi ay namana ang kaputian ng ina nila, siya naman ay namana ang Pilipinong-pilipinong kulay ng kanilang Ama.

Namana niya sa kanilang Ama ang unat at itim na itim na buhok niya, maitim na mga mata, kulay ng balat at height  na 5'3. Mabuti nalamang at kahit paano ay namana niya ang matangos na ilong, hugis pusong mukha at mapulang labi ng kanilang Ina. Kung hindi ay tiyak na siya na ang papangalanan na junior ng pamilya nila dahil magiging kamukha na niya ang kanilang Ama.

Samantalang si Nath ay halos sa kanilang Ina nagmana.Tanging maalong buhok at itim na itim na mga mata ang namana nito sa kanilang Ama.Kaya naman pagnagtatabi sila madalas na silang tuksuhin na " The Ugly Duckling and the Swan" o kaya naman " kape at gatas". Ngunit mapang-asar man ito sa kanya, hindi nito hinahayaang asarin siya ng iba maliban na lamang kay Gab na akala ata nito ay kapatid din nito.