Friday, November 12, 2010

Chap. 2

"Masyado kang defensive, Devin" Ani Nath na inarkuhan pa siya ng kilay. " Hay, makatulog na nga at baka may makasalubong pa akong Black este White lady." Ngingisi-ngising dag-dag pa nito.

" Ang sabihin mo baka makasalubong mo yung kapwa mo bangkay! walang dugo!" at sabay bato dito ng throw pillow.

" Mestizo po ako, no. Hindi katulad mo, taong tsokolate!" at ibinato pabalik sa kanya ang throw pillow.

"Bangkay! Multong Bakla!"

"Anak ni Michael Jackson!"

" Maputi na siya no!" Irap niya rito.

Nang marinig nila ang pagbukas ng pinto sa silid ng tiyahin nila ay kapwa sila natahimik.

Nagkakandangiwi sila sa paghihintay sa sermon mula sa kanilang tiya na kapatid ng yumao nilang Ama. Si Tiya Amanda ang kumalinga sa kanila mula ng sabay na mamatay sa aksidente ang kanilang magulang. Sampung taon palang siya noon at kinse naman si Nathaniel. Kaya naman malaki ang pasasakamat nila rito dahil sa pagkupkop sa kanila ng panahong iyon.

"Devinne, Nathaniel! Alam ba ninyo kung anong oras na?" Malakas na sita ni Tiya Amanda.

Nagkukumahog na umakyat si Nath upang pahupain ang kanilang tiya bago pa nito maisipan na huwag silang patulugin buong magdamag sa pakikinig sa walang sawang panenermon nito. Dali-dali naman niyang pinatay ang T.V.

" Baby, baby, baby ohh
Like baby, baby, baby noo
Like baby, baby, baby ohh..." Damang-dama ni Devin ang pagsabay sa kantang pinatutugtog sa radyo habang abala sa paghihiwalay ng mga de-kolor.

Sabado noon kaya buong araw sa simbahan ang tiyahin nila dahil narin sa panata nitong ilaan ang sabado at linggo sa simbahan. Off din ng katulong nila. Kaya naman siya ang naglaba, naglinis ng bahay at magpaplantsa mamaya.

Habang nag papakapagod siya sa gawaing bahay, ang magaling niyang kapatid ay tinakasan siya. malamang nasa basketball court ito hindi para maglaro kundi para mamingwit ng bagong popormahan. Para lamang itong nagpapalit ng damit kung makipag-relasyon.

"Devin! Devin! Mga kapitbahay, tumawag kayo ng pulis!" Prantikong hiyaw ni Gab na humahangos na pumasok sa labahan. May hawak itong walis-tambo. Palinga-linga ito, tila may hinahanap.

Nagtatakang luminga-linga din siya. Wala namang kakaiba sa bahay nila na puwedeng maging sanhi ng inaakto nito.

" Ooops! kumakanta ka lang pala. Akala ko kinakatay ka na rito eh, " Kapag kuwan ay sabi nito. Nakakalokong ngumisi ito . Mabilis na iniwasan nito ang mga labadang ibinato niya rito, " Next time kasi, kung feel mo mag concert, magpasabi ka muna at nang hindi namin isiping may sumasakal sayo."

" Kung ikaw kaya ang sakalin ko riyan?"

" Hindi pwede, mag we-welga ang kababaihan!" sabay ngisi sa kanya.

pinaikto niya ang mga mata. Grabe talaga ang hangin sa katawan nito.

" Pano ka nakapasok dito? Ini-lock ko ang pinto ah?" Nakakunot-noong pinameywangan niya ito.

" Ako pa?" nag mamalaking itinuro pa nito ang sarili." Magaling ata to!"

"Oo nga naman, Ubod ng galing mang buwisit ng tao.  Dinekwat mo na naman ang spare key namin." Nanlalaki ang mga matang saad niya.

" Akina, ibalik mo. Pakiramdam mo, bahay mo na rin ang bahay namin kung maglabas-masok ka!" Nanggigigil na saad pa niya.

" Nasaan?" Patay malisyang saad nito.

" Nasaan ka diyan, Siyempre nasa iyo!"

" Hindi, 'Yong taong binubuwisit ko kamo."

"buwisit ka talaga Gab! Ba't ka ba nandito? nasa basketball court 'yong kalahi mo."

" Alam ko. Galing nga ako roon, Ang kaso naisip ko na mag-isa ka lang dito. Baka pasukin ka ng mga masasamang loob." Saad nito. At isa-isang pinulot ang mga damit na ibinato niya rito at ibinalik sa ibabaw ng mga labada sa tabi niya. " Eh, naawa naman ako sa knila kaya tumakbo agad ako dito."

"Maglalaba pa ako kaya puwede ba, sabihin mo na ang kailangan mo't ng makalayas ka na." Pinandilatan niya ito. Kahit siguro santo ay mapupugutan ng ugat sa leeg sa pagpipigil ng inis dito.

Nakasimangot na tiningnan siya nito." Alam mo, ang sakit mong magsalita. Ngayon na nga lang uli tayo nagkita, pinapalayas mo na agad ako. Hindi mo manlang ba itatanong kung saang lupalop ako nagpunta at isang buwan akong hindi nadayo dito?" Nakangiwing sinapo nito ang kaliwnag dibdib na para bang nasaktan nga ito.

Alam niya na dina-drama-han lang siya nito lalo pa't nagsasayaw ang kaaliwan sa kulay abo nitong mga mata. Kapag tumatawa ito ay naniningkit ang mga mata nito, bagay na nakapang hihinayang dahil natatakpan ang mga mata nito.

Sampung taong gulang siya at trese anyos naman ito nng unang magkita sila, ilang buwan pa lamang iyon mula ng maulila sila ni Nath sa pagkamatay ng kanilang magulang. Kapipisan pa lamang nila sa poder ng tiyahin nila.

"Match made in Heaven" ang first meeting niya kay Gab. Nilait at pinagtawanan nito ang suot niya na polka dots na bestida. Sinipa naman niya ito sa paa saka binelatan. Ngunit si Nath ay madaling nakasundo nito. Pinahiram pa nga nito ng Game Boy ang kuya niya.

Mula noon para na silang Aso't-pusa sa tuwing nagtatagpo ang mga landas nila. Hanggang sa magdalaga at magbinata na sila ay dala na nila ito. Wala siyang makitang kaakit-akit sa karakter nito kaya nagtataka siya sa mga babaeng humihiling na kahit isang araw lang ay maging girlfriend ng pamosong palikerong ito. Ang hula nga niya kaya nagkakandarapa ang mga babae dito ay dahil sa antas ng pamilya nito sa lipunan. Bukod sa kabilang sa mayayamang angkan si Gab, Unico hijo rin ito ng kasalukuyang mayor sa kanilang lugar.

" Utang-na-loob, Devin,  tama na. Napapahiya na ako sa makahulog-briefs mong titig."pangising sabi nito. " Baka matunaw na ang kaguwapuhan ko niyan sa init ng titig mo."

" Whhaaat?? duh? kaguwapuhan... Baka naman kamo mukhang mongoloid!" Namula siya hindi dahil sa pagkapahiya kundi sa inis.

" May mongoloid bang ganito kaguwapo?"

" In your dreams. Tutal, ayaw mong magsabi kung bakit  namemeste ka na naman, labhan mo na lang ang mga damit na ito para magkasilbi ka naman sa mundo." Walang babalang inilagay nya sa mga braso nito ang sabon at mga maruruming damit. Paminsan-minsan ay nauuto niya itong utusan pero katakot'takot na angal muna ang maririnig mula rito bago nito gawin ang inuuutos niya.

" Sorry, sweetheart, pero pag papaligaya lamang sa mga kalahi mo ang silbi ko sa mundo." Nakaarko ang mga kilay na sabi nito.

"Ganon ba? kung hindi kaya kita tulungang magpaliwanag kay Miss Abellardo?" Ang terror na teacher nito sa History ang tinutukoy niya. Isa si Miss Abellardo sa mga mabibilang na taong hindi intimidated sa apelyidong Saavedra at Immuned sa karisma ni gab.

" Puwede ba naman kitang tanggihan? Alam mo namang kasiyahan ko ang pagsilbihan ka. Alin,ito lang ba? Dagdagan mo pa't sinisipag ako ngayon."

"Good, sige pagkatapos mo jan ayusin mo narin yung bara sa lababo namin, Paki linis na rin yung salas maalikabok na eh. At saka nga pala paki walisan na rin yung likod ha.." Dapat ay kay Nath niya iuutos yun, pero dahil nandoon na si Gab, dito nalang niya ipapagawa.

" Baka may nakalimutan ka pa. Huwag kang mahiya, 'Yong kuko mo sa paa, hindi mo ba ipapalinis?" Puno ng sarkasmong sabi nito. Sinimangutan pa siya nito.

" Aba! kung ayaw mo, huwag!"

" Hindi, hindi na po. okay na okay lang sakin. Heto na nga, nilalagyan ko na ng tubig ang washing machine."

" Ay! sira yan, ayaw umiikot. Nakalimutan ko sabihin sayo."

" Ano? Mano-mano kong lalabhan ang mga ito?" Nanlalaki ang mga matang bulalas nito sa kanya. Hindi makapaniwalang tinignan nito ang mga labahin. Bakit nga ba hindi? SeƱorito ito sa bahay nito. ito ang nag-uutos at hindi ang inuutusan. Sa kanila lang ito natutong kumilos. Pero ngayon lang din niya ito nautusang maglaba nang de-kusot. Sa sobrang dami kasi ng kelangan niyang gawin kelangan niya ng makakatulong.

" Siyempre, Alangan namang paahin mo . Madali lang iyan. kukusutin mo lang ng ganito." kinuha niya ang isang damit at ipinakita rito kung paano. " Maselan sa puti si Tiya kaya kusutin mo ng maayos, ha?" Bilin niya.

Tila nanggaling sa malalim na balon ang buntong-hiningang pinakawalan nito sabay ng pag-iling." Hay, Devin, Kung hindi lang kita talaga....." Napapalatak na saad nito.

2 comments: